^

Bansa

Ambag ng rural bank sa kanayunan idiniin ni Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyang-halaga ni Liberal Party Presidential candidate Leni Robredo ang malaking papel ng mga rural bank sa pag-unlad ng kanayunan.

Sa kanyang pagsasalita sa 58th anniversary symposium ng Rural Bankers Association of the Philippines kahapon, sinabi ni Robredo, “Nais na­ming magtrabaho kasama ninyo sa mga programa at patakaran na magdadala sa atin ng win-win situation kung saan ang rural banks ay handang magpautang sa ating magsasaka, mangingisda, nagtitinda at iba pang maliliit na negosyante na may sapat na kakayahan upang magtayo ng negosyo na mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan.”

 “Kapag sama-sama, kaya nating umusad at magtrabaho tungo sa isang Pilipinas kung saan ramdam ng lahat ng sektor ang pag-unlad at hindi ng iilan lang. Itatag natin ang Pilipinas kung saan punum-puno ng pagkakataong magtagumpay ang  kanayunan,” dagdag pa ni Robredo.

Sa tulong ng rural banks, tiwala si Robredo na lahat ng Pilipino, sa lahat ng bahagi ng bansa at anuman ang estado sa buhay, ay magiging matagumpay, maunlad at mayaman.

 Isa sa mga isinusulong ni Robredo ang pagpapaunlad ng kanayunan upang hindi na dumayo pa ang mga mamamayan nito sa Metro Manila para lang magkaroon ng trabaho o ikabubuhay.

“Dapat ang direksiyon ng pamahalaan is to develop the countryside. Kapag binigyan ng mas pantay na opportunity ang mga nasa kanayunan, sigurado akong di magsisiksikan ang mga tao sa Metro Manila,” wika ni Robredo.

ACIRC

ANG

BINIGYANG

DAPAT

KAPAG

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY PRESIDENTIAL

METRO MANILA

PILIPINAS

ROBREDO

RURAL BANKERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with