Ilang pasahero ng NAIA ginagawang agimat ang bala - PNP
MANILA, Philippines —Sa kasagsagan ng isyu tungkol sa “tanim bala,” nagpaalala ang Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) sa publiko na iwasang magdala ng bala na mahigpit na ipinagbabawal sa mga paliparan ng bansa.
Sinabi ni Police Superintendent Jeanne Panisan, public information officer ng PNP-Avsegroup, kahapon na ilan sa mga nahuling pasahero ang nagsasabing hindi nila alam na ipinagbabawal ito.
"May mga cases din po na sinasabi nila na agimat pero hindi po nila alam na bawal,” pahayag ni Panisan.
Ipinaliwag ni Panisan kahapon ang isyu sa mga nahuhulihan ng bala sa mga paliparan.
- Latest