^

Bansa

Sanhi ng sunog na ikinamatay ng 4 katao ilegal na koneksyon ng kuryente, pinabubusisi

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos kahapon ni Makati City Mayor Romulo V. Peña, Jr. sa Makati City Fire Department at pulisya na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga iligal na koneksiyon ng kuryente na sanhi ng sunog at nagresulta  sa pagkamatay ng apat na katao kabilang ang dalawang buwang sanggol noong Linggo ng umaga (Nobyembre 1).

Ipinahayag ni Peña ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga biktimang nasawi na sina Annie Duran Eneria, 44; kanyang mga anak na sina  Britney May, 14;  Nicole, 8 at ang dalawang buwang gulang na apo nitong si Rodrigo Nathaniel.

Sugatan naman ang mga kaanak na sina   Rodrigo, 44; anak nitong sina  Rodney, 11 at  Ann Teacia, 16, na nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa tinamong 3rd degree burns sa katawan.

“We are deeply saddened by this tragedy that has claimed the lives of a mother, her two young children and baby grandson who were living in the unit where the fire reportedly originated. We appeal to our residents to take extra precautions in keeping their homes safe and fire-proof, especially this coming holiday season,” ani Peña.

Pinabubusisi ng alkalde sa Makati City Fire Department at pulisya ang mga report na talamak umano ang illegal na kone­k­syon ng kuryente sa may Araro St., Brgy. Palanan ng naturang lungsod  kung saan naganap ang sunog.

Tumanggap naman ng relief assistance ang may 34 na pamilya mula sa tanggapan ng  Makati Social Welfare Department (MSWD) na ipinamahagi ng mga ito sa mga naapektuhan ng insidente. Bukod sa mga relief goods, tumanggap din ng financial assistance mula sa pamahalaang lungsod ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog, na nagkakahalaga ng P10,000.00 (homeowners),P5,000.00 (renters) at  P3,000 (sharers).

ACIRC

ANG

ANN TEACIA

ANNIE DURAN ENERIA

ARARO ST.

ATILDE

BRITNEY MAY

MAKATI CITY FIRE DEPARTMENT

MAKATI CITY MAYOR ROMULO V

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with