PDP-Laban standard bearer umatras, Duterte nilagay na substitute
MANILA, Philippines – Umatras sa pagtakbong pangulo si Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) standard bearer Martin “Bobot” Diño matapos makatanggap ng liham mula sa Commission on Elections na malaki ang tsansa niyang maging nuisance candidate.
Dahil dito, pinangalanan niya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kaniyang kapalit para sa eleksyon 2016.
Nitong kamakalawa ay ninomina na rin ng PDP-Laban si Duterte bilang kahalili ni Diño.
Sa patakaran ng Comelec ay may hanggang Disyembre 10 ang isang politiko upang makapaghain ng kaniyang certificate of candidacy bilang kapalit ng standard bearer ng isang political party.
Nakadepende na lamang ito sa desisyon ni Duterte kung iaatras niya ang kaniyang pagtakbo bilang alkalde ng Davao at ituloy ang panawagan ng kaniyang mga taga suporta na tumakbong pangulo.
- Latest