^

Bansa

8 pa tatakbong pangulo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walo pang aspirante sa pagka-pangulo sa 2016 elections ang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy kahapon sa Comelec.

Nadagdag sa listahan sina Marita Arilla, Cornelio Sadsad Jr., Alfredo Tindugan, Bertrand Winstanley, Romeo John Ygonia, Virgilio Yeban, Benjamin Rivera at Juanito Luna.

Sa ikalawang araw ng paghahain ng COC kahapon, kauna-unahang naghain ng COC ang isang nagpakila­lang dating magsasaka at isang security guard na kapwa taga-Quezon City.

Isang magsasaka si Alfredo Tindugan, ng Holy Spirit, QC; at ang kanyang running mate ay si Angelito Baluga, 54, na ipinanganak sa Cagayan Valley ngunit naninirahan na ngayon sa Quezon City, Divine government ang nais nilang manaig sa bansa.

Ipinagmalaki naman ng volunteer missionary na si Romeo John Ygonia alyas “Lucifer”, na siya ang ‘chosen one’  at pinili raw siya ni Hesus Kristo para maging pangulo ng Pilipinas, ang mundo aniya ay hindi maliligtas kung wala ang Panginoon.

Absolute monarchy naman ang campaign slogan ng nagpakilalang si Marita Arilla. Pangako nito na kapag nahalal na Pangulo ay aalisin niya ang lehislasyon dahil ang mandato lamang daw na dapat ipatupad sa bansa ay ang mula sa Panginoon.

ALFREDO TINDUGAN

ANG

ANGELITO BALUGA

BENJAMIN RIVERA

BERTRAND WINSTANLEY

CAGAYAN VALLEY

CORNELIO SADSAD JR.

HESUS KRISTO

MARITA ARILLA

QUEZON CITY

ROMEO JOHN YGONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with