^

Bansa

Dengue outbreak pinasisiyasat ni Sen. Nancy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Sen. Nancy Binay sa Senado ang tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Mula Enero 1 hanggang Setyembre 19 nga­yong taon, ang kaso ng dengue ay tumaas ng 23.5%.

“In nine months, the number of dengue cases in our country has ballooned to 92,807. The government should be alarmed by this number because while the health department says that deaths due to dengue have gone down, the fact is that there are those who still die because of this illness,” pahayag ni Sen. Binay.

Nangako naman sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Nancy na magbibigay ng medical supplies katulad ng intravenous fluids at gamot para sa pagsugpo ng dengue sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Ayon pa kay Binay hind dapat magpaka-kampante ang Department of Health hangga’t hindi bumababa ang bilang ng nagkakaroon ng dengue.

“Importante po ang kalusugan ng bawat mamamayan. Malaki po ang gastos ng pamilya kapag nagkakaroon ng sakit ang kahit isang mi­yembro nito. Sa hirap po ng buhay ngayon, haha­yaan pa po ba nating magkasakit ang taumbayan kung pwede naman itong maiwasan?” sabi niya.

Nauna ng naghain ng resolusyon si Binay upang hilingin sa Senado na im­bestigahan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

“Dapat pong maimbestigahan ang isyung ito. Nagbabala na po ang DOH na maaaring mas dumami pa ang numero ng mga kaso ng may dengue. Dapat po siguro ay busisiin na ang isyung ito upang malaman ng taumbayan kung ano na ba ang tunay na estado ng bayan ‘pag dating sa sakit na dengue,” pahayag pa ng senadora.

ACIRC

ANG

BINAY

CEBU CITY

DAPAT

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

MULA ENERO

NANCY BINAY

SENADO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with