^

Bansa

Bicol solons problemado sa mga VP bets

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Problemado ngayon ang mga Bikolanong Kongresista kung sino sa mga kandidatong Bise Presidente para sa 2016 elections ang kanilang iboboto dahil sa lahat ng mga ito ay pawang mga taga Bicol.

Sinabi ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe na malaking karangalan para sa mga Bikolano na magkaroon ang kanilang rehiyon ng Vice Presidential Candidate sa eleksyon.

Subalit hanggang sa ngayon ay wala pa umano silang napapag usapan kung sino ang iboboto sa pagitan nina Senadors Chiz Escudero, Antonio Trillanes, Allan Cayetano at si Rep.Leni Robredo.

Si Escudero ay taga Sor­sogon, habang sina Caye­tano at Trillanes ay taga Albay, Si Robredo ay taga Camarines Sur habang si Senador Honasan na sinasabi rin tatakbo ay taga Sorsogon din.

Aminado si Batocabe na magiging litong-lito ang mga Bicolano at mahihirapang magpasya kung sino ang ibobotong Bise Presidente.

Dahil dito kaya hindi lamang sila taimtim na mag-iisip at mananalangin kung sino sa lima ang kanilang iboboto kundi maging ang kaluluwa nila ay gagamitin na rin nila sa pagdedesisyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Batocabe na para sa kanya ay malaki ang tsansa ni Robredo na maging ikalawang-Pangulo ng bansa, lalo na kung makilala ng mga botante ang Congresswoman na isang “magaling, masipag at matuwid” na tao.

ACIRC

AKO BICOL

ALLAN CAYETANO

ANG

ANTONIO TRILLANES

BATOCABE

BIKOLANONG KONGRESISTA

BISE PRESIDENTE

CAMARINES SUR

LENI ROBREDO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with