Chiz binira sa pagiging ‘kunsintidor’
MANILA, Philippines – Binatikos ng kampo ni Vice President Jejomar Binay si Sen. Francis Escudero sa umano’y pananahimik kapag ginigisa ng mga resource persons ng Senate Blue Ribbon Subcommittee ang umano’y corruption na kinasasangkutan ng pamilya Binay.
Sinabi ni Atty. Rico Quicho, spokesperson ng bise presidente, dapat nile-lektyuran ni Escudero ang mga kasamahang senador kaugnay sa ginagawa umanong paninigaw at pananakot sa kanilang mga resource persons.
Bagaman at hindi naman dumadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee si Escudero ay dapat tingnan nito ang napakaraming dokumento na isinumite ng gobyerno ng Makati na diumano’y maglilinis sa mga alegasyon laban sa mga proyektong ipinatupad ni VP Binay.
Ayon pa kay Quicho na nalulungkot sila dahil hindi ikinonsidera ng sub-committee ang mga dokumento kabilang na si Escudero.
Bagaman at dapat irespeto ang Senado bilang isang institusyon ay hindi umano dapat nananakot ang mga senador at nambu-bully ng mga resource persons.
“Maituturing si Senator Escudero na isang bulag kung paniniwalaan niya ang sub-committee hearing ay isang aid of legislation”, sabi ni Quicho.
Binalewala anya ng subcommittee ang tamang paggamit ng mga patakaran sa ebidensiya at sa halip, hinayaang awayin at hiyain ang mga resource person na ayaw sumunod sa gustong mangyari ng mga senador na nagsasagawa ng pagdinig.
- Latest