^

Bansa

Peña binira sa credit-grabbing at pagiging ‘epal’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Credit-grabbing at epal tactic umano ang ginagawa ni Acting Makati Mayor Romulo Peña Jr. sa pagpapahiwatig niya na gumanda ang koleksyon ng lunsod mula Enero hanggang Agosto bagaman dalawang buwan pa lang siyang nanunungkulan sa puwesto.

Ito ang tinuran kaha­pon ng kampo ni Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay na naunang sinus­pinde ng Ombudsman na dahilan para pansa­mantalang pumalit sa kanya si Peña na siya ring vice mayor ng lunsod.

“Dalawang buwan pa lang siya sa tungkulin (bilang acting mayor) nang kuwentahin ang kabuuang kita ng lunsod. Nagkakamali ng akala si Peña na dahil sa kanyang admi­nistrasyon kaya tumaas sa 90 porsiyento ang kabuuang income ng lunsod ngayong taong ito,” diin ni Joey Salgado, tagapagsalita ni Mayor Binay.

Isa anya itong credit grabbing na siya nang ginagawa ni Peña at ng kanyang mga tauhan sa nagdaang mga linggo.

Lumilitaw sa bagong report ng city treasurer’s office na, hanggang noong Agosto 20, tinamo ng Makati ang 90 porsiyento ng target nitong revenue collection para sa buong taon o halagang P11,053,533,515 mula sa P12,284,535,000.

Ayon pa sa pahayag ni Salgado, bago ipinataw ang suspension kay Binay, ang kabuuang koleksyon sa buwis mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito ay umabot na sa P9.5 bilyon o 86.2 porsiyento ng kabuuang kita hanggang noong Agosto 20, 2015.

Binanggit pa niya na lumilitaw sa opisyal na mga tala na tuloy-tuloy ang paglaki ng koleksyon sa buwis sa Makati sa nagdaang dalawang dekada. Naging mataas anya ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan dahil sa mga patakarang pangnegosyong ipinatupad ni Vice President Jejomar Binay noong ito pa ang alkalde ng lunsod at ipinagpatuloy ng anak niyang si Mayor JunJun Binay.

ACIRC

ACTING MAKATI MAYOR ROMULO PE

AGOSTO

ANG

ATILDE

BINAY

ENERO

JOEY SALGADO

MAKATI

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN S

MAYOR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with