^

Bansa

‘Poe tila isa nang trapo’ - Osmeña

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinawag na “trapo” ni Senador Serge Osmeña ang dati niyang alaga na si Senador Grace Poe na sinasabing isa sa mga kakandidatong presidente sa halalan sa susunod na taon.

Ginawa ni Osmeña ang pahayag nang matanong siya sa isang radio interview kung papaanong mababawi ni Poe ang mga botanteng nadismaya sa naging pagdipensa ng senadora sa Iglesia ni Cristo sa kasagsagan ng matin­ding trapik na idinulot ng apat na araw na protesta ng grupo.

“Meron siyang mga strategists. Dapat tinanong niya ang kanyang mga strategists,” sabi ni Osmeña na dati nang sinabi na hindi dapat tumakbo si Poe bilang Pangulo at tanggapin na lamang ang alok ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na maging running mate ng kanyang pambato na si Interior Secretary Mar Roxas.

Si Osmeña ay kila­lang dating adviser ni Poe ngunit inamin ng una na hindi na siya kinukonsulta ngayon ni Poe at kay Senador Chiz Escudero na lamang ito sumusunod.

“Mali siya roon, para siyang trapo,” sagot ni Osmeña nang tanungin sa naging posisyon ni Poe sa usapin ng INC. Matatandaang dumagsa ang batikos kay Poe, Escudero at iba pang pulitikong dumepensa sa INC.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BENIGNO AQUINO

INTERIOR SECRETARY MAR ROXAS

OSME

POE

SENADOR CHIZ ESCUDERO

SENADOR GRACE POE

SI OSME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with