^

Bansa

Butz Aquino pumanaw na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumanaw na kahapon ng hapon si dating Senador Agapito “Butz” Aquino na tiyuhin ni Pangulong Benigno C. Aquino III.

Agad na nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya Aquino si Senate President Franklin Drilon sa pamilya ng namayapang senador na naging miyembro  ng Kongreso noong 9th Congress mula 1992 hanggang 1995.

“Nakikidalamhati ako sa buong bansa sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan.

Binanggit rin ni Drilon na nagkaroon ng mahala­gang papel si Aquino noong Edsa revolution at tumulong ito sa pagbuo ng iba’t-ibang organisasyon katulad ng August Twenty One Movement (ATOM).

Bilang isang senador, ang mga pamanang batas umano ni Aquino ay napapakinabangan ng bansa katulad ng Magna Carta for Small Farmers at maging ang Cooperative Code of the Philippines.

Ayon naman kay Senator Bam Aquino, “natural causes” ang ikinamatay ng kaniyang tiyo.

ACIRC

AQUINO

AUGUST TWENTY ONE MOVEMENT

AYON

COOPERATIVE CODE OF THE PHILIPPINES

DRILON

MAGNA CARTA

PANGULONG BENIGNO C

SENADOR AGAPITO

SENATOR BAM AQUINO

SMALL FARMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with