‘Linggo ng Hika’ ginugunita rin ngayong Agosto
MANILA, Philippines – Ipinaalala ng Malacañang sa mga Filipino na bukod sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto ay ipinagdiriwang din ang ‘Linggo ng Hika” sa ikalawang linggo ng buwan.
Sa bisa ng Proclamation 442 series of 1994 ni dating Pangulong Fidel Ramos, ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Agosto ang “Asthma Week” o “Linggo ng Hika”.
Naka-post ito sa official gazette ng Aquino government upang ipaalala sa taumbayan na bukod sa pagdiriwang ng buwan ng Wikang Filipino ngayong Agosto ay ipinagdiriwang din ang “Linggo ng Hika” tuwing ikalawang linggo ng buwan.
“WHEREAS, ASTHMA is a serious medical disorder that affects about 5 million FILIPINOS of all ages with a continuous increase in prevalence; WHEREAS, there is a need to maximally enhance the consciousness of the populace on ASTHMA and to coordinate the direct group activities conducted for ASTHMA,” nakasaad pa sa Proclamation 442 ni Ramos.
- Latest