^

Bansa

Pinoy ako! – Grace Poe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ni Sen. Grace Poe ngayong Huwebes na siya ay isang Pilipino sa kabila ng isang petisyon upang pababain siya dahil sa pagiging dayuhan.

"I am actually relieved that a petition has been filed so that I can answer the questions on my citizenship and residency,"pahayag ni Poe.

Isang natalong senatorial candidate noong 2013 ang naghain ng petisyon upang tanggalin sa pwesto si Poe na hindi umano isang natural-born Filipino.

Inihain ni Rizalito David kaninang umaga ang petisyon sa Senate Electoral Tribunal, kung saan kinukwestiyon niya ang citizenship at residency ng senadora.

Nitong Hunyo ay inihayag ni United Nationalist Alliance president and Navotas Rep. Toby Tiangco na hindi maaaring makatakbo sa eleksyon 2016 si Poe dahil sa residency requirement.

Inilarawan ni Poe ang pahayag ni Tiangco na desperado taktika upang sirain siya.

GRACE POE

HUWEBES

IGINIIT

INIHAIN

INILARAWAN

NAVOTAS REP

NITONG HUNYO

RIZALITO DAVID

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

TOBY TIANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with