^

Bansa

MMDA anti-smoking pinatigil ng CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinawalang bisa ng Court of Appeals (CA) ang anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa desisyon ng 12th Division ng CA, nakasaad na hindi kasama ang MMDA sa mga ahensiyang binibigyang kapangyarihan ng Tobacco Regulations Act of 2003 o RA 9211 na magpatupad ng mga probisyon ng batas.

Sa ilalim ng nasabing batas, tanging ang Inter-Agency Committee on Tobacco (IAC-Tobacco) lamang ang may kapangyarihan na magpatupad ng mga kautusang nakasaad doon.

Nag-ugat ang kaso sa pag-apela ng MMDA sa desisyon ng Mandalu­yong Regional Trial Court (RTC) noong Nobyember 14, 2013 na nagpapatigil sa ahensya sa pagpapatupad ng anti-smoking campaign.

Pinaboran ng RTC sina Anthony Clemente at Vrianne Lamsen, mga petisyoner, na kapwa nagmulta ng P500 sa MMDA matapos mahu­ling naninigarlyo sa isang pampublikong lugar sa kahabaan ng EDSA Cubao, Quezon City.

Lumilitaw na wala rin sa mga anti-smoking ordinance ng Quezon City, Mandaluyong, at Parañaque na dine-deputize ang MMDA na ipatupad ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY CLEMENTE

ATILDE

COURT OF APPEALS

INTER-AGENCY COMMITTEE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT

TOBACCO REGULATIONS ACT

VRIANNE LAMSEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with