^

Bansa

Wage hike sa government regalo ni PNoy - Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na ipupursige niyang maipasa at maisabatas ang panukalang pagtataas sa sweldo ng mga taga gobyerno bago matapos ang termino ni Presidente Aquino.

Ang naturang Senate Bill No. 2671 o ang Salary Standardization Law 4, ani Trillanes ay ibig niyang maging “regalo” ng Pa­ngulo sa pagbaba niya sa puwesto sa 2016.

Kabilang sa mga masasakop ng batas ay ang mga guro, pulis at sundalo, na walang humpay ang pagtulong sa kaniya upang makamit ang mga reporma niya para sa ating pamahalaan,” sabi ni Trillanes, panguna­hing may-akda at isponsor ng nasabing panukalang batas.

Sa ilalim ng panukala, isasaayos ang kasuluku­yang base pay schedule at mga posisyon ng lahat ng kawani sa gobyerno. Ang may pinakamababang posisyon ay magsisimula sa Salary Grade 1, at ang pinakamataas naman, ang Presidente, ay Salary Grade 33. Ang pagsasaayos ng mga posisyon at salary grade ay nakabatay sa kakayahan, uri ng trabaho, at responsibilidad na nakaatang sa isang posisyon.

Ayon sa isinaayos na salary scale, ang sweldo ng pinakamababang empleyado ng gobyerno ay magiging P16,000, mula sa kasalukuyang P9,000.

Para naman sa mga sundalo, ang base pay ng isang candidate soldier ay aabot sa humigit kumulang na P23,000 at P550,000 naman para sa four-star general.

Ayon pa kay Trillanes: “Alinsunod sa kampanya ng ating Pangulo laban sa korapsyon, ang SSL 4 ay isang magandang panukala na sumusuporta dito. Dahil sa mas mataas na pasahod, ang mga kawani ng gobyerno ay maiiwasan nang gumawa ng mga iligal na gawain para lang madagdagan ang kakarampot na kinikita nila. Sa halip ay itutuon na lang nila ang kanilang panahon at enerhiya sa maayos na pagsisilbi sa publiko at tumulong sa pagkakaroon ng mas maayos na pamamahala.”

“Ang mga kawani ng gobyerno ang nagsisilbing unang mukha ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng pampublikong serbisyo. Sila ang sandigan ng mabuting pamamahala at administrasyon sa bansa kaya naman mahalaga na masiguro ng ating gobyerno na nabibigyang-pansin ang kanilang mga pa­ngangailangan. Sa huli, ang taumbayan din ang makikinabang dito,” dagdag pa ni Trillanes na chairman ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.

Ang SBN 2671 ay na-isponsor na ni Trillanes sa plenaryo ng Senado at kasalukuyang nakabinbin sa ikalawang pagbasa.

ACIRC

ANG

AYON

CIVIL SERVICE AND GOVERNMENT REORGANIZATION

MGA

PRESIDENTE AQUINO

SALARY GRADE

SALARY STANDARDIZATION LAW

SENADOR ANTONIO

SENATE BILL NO

TRILLANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with