^

Bansa

Government projects iposte daw sa Facebook

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Libre, madaling buksan, simpleng i-maintain, at hindi mahirap ma-access.

Ito ang idinahilan kahapon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto patungkol sa Facebook kasabay ang paggiit na gamitin ang nasabing social media sa bawat proyekto ng gobyerno.

Ayon kay Recto, mahigit na sa 30 milyong Filipino ang may account sa FB kaya madali na nilang makikita at i-monitor ang mga programa sa gobyerno kung magkakaroon ito ng account.

Kung mayroon aniyang isang panukalang tulay sa isang bayan, maaring maglagay ng FB account ang field office ng Department of Public Works and Highway (DPWH) upang ma-monitor ito ng mga mamamayan.

Sinabi pa ni Recto na dahil halos lahat ng mga mobile phones ngayon ay may camera, madali nang mag-upload ang mga litrato  upang makita ang progreso ng isang konstruksiyon.  Idinagdag ni Recto na hindi na kinakailangang gumastos ng malaki para sa consultants at monitoring dahil libre naman ang FB.

ACCOUNT

ANG

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAY

FACEBOOK

IDINAGDAG

ITO

MGA

RECTO

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE RALPH RECTO

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with