Makiisa sa earthquake drill - Palasyo
MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng Malacañang ang lahat ng pribado at pampublikong tanggapan ng gobyerno na makilahok sa earthquake drill na isasagawa ngayong araw.
Dahil hinog na umano ang tinatawag na West Valley fault, inaasahang tatama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol.
Sa Memorandum Circular no. 79 ni Pangulong Aquino ay hiniling din nito sa taumbayan partikular sa Metro Manila na makiisa bilang paghahanda sa tinatawag na ‘The Big One’.
Inabisuhan naman ng Senado ang lahat ng secretariat, mga opisyal, empleyado at mga consultants tungkol sa gagawing drill na magsisimula alas-10:30 ng umaga.
Limang minutong patutunugin ang alarm system at fire truck sirens ng Senado bilang hudyat ng pagsisimula ng gagawing drill.
Pinapayuhan ang lahat ng nasa loob ng Senate building na obserbahan ang “duck cover and hold” habang naririnig ang alarm.
Isusunod ang evacuation ng lahat ng mga empleyado na nasa loob ng gusali ng Senado pagtigil ng alarm at sirena ng bumbero.
Ang bawat tanggapan ay dapat mag-assign ng point person na para sa accounting ng kanilang mga empleyado.
- Latest