^

Bansa

Barko ng BFAR binuntutan, binomba ng tubig ng China

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos magbanggaan ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ­magsasagawa ng resupply mission nang ­buntutan, bombahin ng water cannons at harangin ng mga barko ng China Coast Guard malapit sa Bajo de ­Masinloc noong Biyernes ng umaga.

Sa pag-aaligid ng mga dayuhang barko, hindi rin tinantanan ng mga radio challenge ng CCG-4106 ang BRP Datu Daya sa pagsasabing nasa teritoryo sila ng China, gayung ang lokasyon ng Bajo de Masinloc ay nasa 124 nautical miles west ng Zambales, na pasok sa 200 nautical mile ng Exclusive Economic Zone at Philippine Continental Shelf.

Sa parehong araw, pilit ding itinaboy ang BRP Taradapit nang bombahin ng tubig ng CCG-4203 habang ang BRP Datu Tamblot ay tinarget din ng water cannon ng CCG 3105, na kasama sa mission.

Gayunman, sinabi ng PCG na walang naging pinsala, walang nasaktan sa pangyayari at matagumpay pa rin naisagawa ang resupply mission.

Ayon sa PCG, nasa 56 barko ng CCG, 2 Navy warships ng People’s Liberation Army, at ilang Chinese maritime vessels ang kanilang na-monitor na tangkang harangin ang resupply mission.

BFAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with