^

Bansa

50% student discount sa LRT, MRT inilarga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
50% student discount sa LRT, MRT inilarga
Epektibo kahapon ay 50% na ang discount ng mga estudyante sa LRT- 1, LRT-2, at MRT-3. Maaari ring i-avail ang diskwento kahit weekend at holiday.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines —  Itinaas ng Department of Transportation (DOTr) sa 50% ang discount na ipinagkakaloob sa lahat ng estudyante na sasakay sa mga tren ng Light Rail Transit Lines 1 at 2, gayundin sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa abiso ng DOTr, ang pagtataas ng discount sa 50% mula sa 20% ay epektibo na nitong Biyernes.

“Malaking tulong sa mga mag-aaral at kanilang magulang ang pagtaas sa 50% ng discount ng mga estud­yante sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 na sinimulan ngayong araw,” anunsiyo ng DOTr.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang dagdag diskwento ay tugon ng DOTr, kasama ng MRT-3, Light Rail Transit Administration (LRTA) at

Light Rail Manila Corporation (LRMC), sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungang mapababa ang gastusin ng mga estudyante ngayong pasukan.

“Ang directive ng Pangulo, magdagdag tayo ng discount sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3. ‘Yung dating 20% discount lang sa mga estudyante, inutos ng Pangulo na gawin nating 50% ang discount ng mga estudyante,” aniya pa, kasabay ng pag­lunsad ng programa sa LRT-2 Antipolo Station.

“Malaking tulong ito sa mga pamilya lalo na sa mga magulang na hirap magpaaral sa kanilang mga anak. ‘Yung matitipid nila, pwede nilang ilaan sa ibang gastusin gaya ng mga project, dagdag nila sa  baon, o sa iba pang mga gastusin sa school,” pahayag pa ng kalihim.

Nabatid na maraming estudyante ang makikinabang sa diskwentong hatid ng pamahalaan lalo na sa LRT-2 na nagseserbisyo sa mga estudyanteng nag-aaral sa University Belt Area sa Maynila.

“Mabuti na ito at least diretso sa bulsa ng mga estudyante at ng pamilya nila ‘yung benepisyo, diretsong tulong ito,” paliwanag ng transport chief.

Upang maka-avail ng 50% discount, kaila­ngang bumili ng estud­yante ng single journey ticket sa ticket counters.

Hindi pa naman available sa ngayon ang 50% discount gamit ang beep cards.

Maaari ring i-avail ng mga estudyante ang dis- kwento sa mga tren araw-araw, maging weekend at holiday hanggang sa taong 2028.

Bukas ito para sa lahat ng estudyante, kabilang ang mga kumukuha ng post graduate studies.

Una rito, sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan na ang mas malaking diskwento sa pasahe ng mga senior citizens at estudyante sa MRT.

Ayon sa Pangulo, karaniwan sa mga estudyante ay walang pera, habang ang mga senior citizen naman ay kokonti lang ang hawak na pera.

Kahit saan aniya magtungo si Marcos ay nakikita niya na malaki ang diskwento ng mga senior at estudyante na karaniwan ay 50%, suba­lit dito sa atin ay 20% lang ang diskwento.

Sinabi pa ni Pangu­long Marcos na ang sektor na ito ang karaniwang walang pera at ang mga senior citizens ay nagsilbi na sa bansa at buong buhay na nagtrabaho kaya dapat bigyan ng kaunting benepisyo.

Nauna na rin ipinag-utos ng Presidente ang pagbibigay ng “3 plus 1” sa mga sasakay sa MRT kung saan sa tatlong miyembro ng pamilya, isa rito ang libre tuwing araw ng Linggo na isang family day.

LRT

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with