Pagligo, pagkain tuwing Holy Week hindi bawal - CBCP
MANILA, Philippines – Nilinaw ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Bishop Socrates Villegas na hindi pinagbabawal ang pagkain at paliligo ngayong Semana Santa.
Ayon kay Villegas, ang mga nasabing pamahiin ay hindi ipinagbabawal at sa halip ang mahigpit na pinagbabawal ay ang pagkakaroon ng kasalanan.
Ang mahalaga ngayong panahon ng kwaresma ay ang patuloy na patatagin ang pananampalataya at magtuon ng oras sa pagdarasal. Aniya, sa pamamagitan ng kasalanan, nahihiwalay tayo sa Diyos.
“Ito man ay diploma, ito man ay ganda ng mukha, ito man ay kayamanan, babalik lahat ‘yan sa abo. Mawawala lahat. Pero may mga bagay na hindi mawawala, at ‘yan ay pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa Diyos,” ani Villegas.
Apela naman ni Iloilo Archbishop Angel Lagdameo na huwag kalimutan ang fasting, malasakit sa kapwa at pagdarasal. Ngayon ang tamang panahon sa paghingi ng kapatawaran.
- Latest