^

Bansa

AFP nag-fund raising sa SAF 44

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasisi man, naglunsad ng fund raising ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa  pamilya ng Special Action Force (SAF) Fallen 44 na napaslang sa madugong Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguin­danao noong Enero 25.

Ito’y matapos na isang Army major ang  mag-poste sa kaniyang Facebook account ng pagkaltas sa mga sundalo ng P30.00 sa kanilang subsistence allowance na idodonasyon bilang tulong at pagmamalasakit sa pamilya ng mga napatay na SAF commandos.

Ang AFP ay may kabuuang 125,000 puwersa sa buong bansa na kung magdodonasyon lahat ay aabot sa mahigit na P3.7 M.

Nilinaw naman ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, boluntaryo ang pagdodonasyon ng kanilang tropa para sa naulilang pamilya ng SAF troopers.

“This was an AFP-wide voluntary contribution which I am happy to note was contributed to by all of the members of the AFP,” ani Padilla na binanggit na maging ang tropa at mga opisyal ng Army’s 6th Infantry Division (ID) ay nagbigay rin ng donasyon.

Magugunita na ang AFP ang binuntunan ng sisi ng nasibak na si dating SAFChief P/Director Getulio Napenas na mabagal umano ang reinforcement kaya nalagas ang malaki sa kanilang puwersa.

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GETULIO NAPENAS

INFANTRY DIVISION

OPLAN EXODUS

RESTITUTO PADILLA

SPECIAL ACTION FORCE

SPOKESMAN COL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with