^

Bansa

Walang US troops sa Mamasapano clash – DFA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes na walang kabilang na tropang Amerikano sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero.

Si DFA Undersecretary Evan Garcia ang dumalo at nagpaliwanag sa papel ng US troops sa ikaapat na pagdinig ng Senado ngayong Lunes sa madugong bakbakan sa Mamasapano.

"There was no US involvement in the operation. It was 100 percent Filipino planned and implemented," giit ni Garcia.

Sa isang executive session ng Senado nitong nakaraang linggo, sinabi ng nasibak na SAF commander Getulio Napeñas na ginamit ang US surveillance plane upang matiyak ang kinaroroonan ng Malaysian terrorist na si  Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Nauna na ring itinanggi ng pamunuan ng PNP na walang Amerikanong lumahok sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 pulis.

 

AMERIKANO

AMERIKANONG

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENERO

GETULIO NAPE

MAMASAPANO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

SENADO

UNDERSECRETARY EVAN GARCIA

ZULKIFLI BIN HIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with