^

Bansa

P240 hazard pay ng PNP taasan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatataasan ng isang senador ang pagpasa ng panukalang Magna Carta para sa Philippine National Police (PNP) matapos mabunyag sa pagdinig ng Mamasapano incident na umaabot lamang sa P240 kada buwan ang tinatanggap na hazard pay ng mga miyembro ng PNP na nakatalaga sa mga “danger zones.

Inihayag ni dating Special Action Force (SAF) Director Getulio Napenas, na bukod P240 hazard pay kada buwan, P340 naman ang combat pay kada buwan ng mga miyembro ng pulisya na itinatalaga sa mga delikadong lugar.

Ayon kay Angara, hindi sapat ang P580 kabuuang hazard at combat pay na natatanggap ng isang pulisya katulad ng mga miyembro ng SAF na napatay sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa ilalim ng panukala ni Angara, ang mga uniformed PNP personnel na itinatalaga sa mga delikadong lugar kabilang na ang ‘peacekee­ping’, ‘crime prevention’ at ‘investigation activities’ at  dapat makatanggap ng “special hardship allowance” na katulad ng hazard at combat pay na kasing halaga ng 50 porsiyento ng kanilang monthy basic pay.

Kung magiging batas, ang monthly hazard at combat pay ng isang Police Officer II ay itataas mula sa kasalukuyang P580 sa P8,467. (Malou Escudero)

 

ANGARA

DIRECTOR GETULIO NAPENAS

MAGNA CARTA

MALOU ESCUDERO

MAMASAPANO

PAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE OFFICER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with