Ancestral house kasama P200 M assets ni Revilla pinigil ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Pinigil ng Sandiganbayan ang mahigit P200 milyong assets ni Senador Bong Revilla na sinasabing na-kickback nito mula sa kanyang pork barrel fund na naipondo sa pekeng NGO ni Janet Napoles.
“Let a Writ of Preliminary Attachment issue as against accused Ramon “Bong” Revilla Jr., requiring the Sheriff of this Court to attach so much of the property in the Philippines of the said accused, not exempt from execution as may be sufficient to satisfy the applicant’s demand in an amount not exceeding P224,512,500 in value,” nakasaad sa utos ng Sandiganbayan.
Kabilang umano sa pinapa-freeze ang 43 bank accounts, 28 real estates assets at 15 sasakyan.
Inatasan na rin ng graft court ang sheriff na ibigay sa bangko ang freeze order para maipatupad ito sa loob ng 60 araw.
Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.
Samantala, umangal naman kahapon si Revilla matapos isama ang kanilang ancestral house sa mga assets na ipinag-utos ng Sandiganbayan na hindi maaaring galawin.
“Almost all of the properties they have attached were acquired long before I became Senator. Even the fruits of my compensation from GMA7 were attached. Kasama pa rito ang ancestral property ng aming angkan kung saan nakatira ang aking ama,” ani Revilla.
Masyado aniyang nakaka-dismaya ang nasabing kautusan dahil ang mga isinamang ari-arian ay kanyang pinaghirapan at nabili dahil sa lehitimong trabaho.
Una rito, pinasususpinde rin ng Sandiganbayan ang mahigit sa P183.7 milyong assets ni suspended Sen. Jinggoy Estrada na sinasabing kickback din nito mula sa kanyang pork barrel fund na naipondo rin sa pekeng NGO ni Napoles.
- Latest