^

Bansa

Fallen 44 dapat sa Libingan ng mga Bayani

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ng mga opposition congressmen ang paglalagak sa “Fallen 44” sa Libingan ng mga Bayani bilang pagkilala sa sakri­pisyo ng mga ito.

Sa House resolution 1870 ng Independent Minority bloc sa pangunguna nina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, nakasaad na pinakamabigat na sakri­pisyo ang ibinigay sa bansa ng 44 SAF at itinuturing na bayani ang mga ito.

Maging si Pangulong Aquino ay kinilala ang kabayanihan ng Fallen 44 sa Necrological rites para sa mga nasawi kaya nababagay ang mga ito sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig.

Bagamat ang libi­ngan ng mga bayani ay itinatag para sa mga nasasawing magigiting na sundalo, maaari naman umanong ilibing dito ang Fallen 44 dahil marami na rin naman non-military per­sonnel na nailibing dito bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa.

BAYANI

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

FORT BONIFACIO

INDEPENDENT MINORITY

LEYTE REP

LIBINGAN

LITO ATIENZA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with