^

Bansa

Mayor Binay susuko arrest warrant nabinbin…

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi naipatupad ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) ang arrest at detention order laban kay Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. at  limang iba pa matapos ma-contempt kaugnay sa ilang beses na pang-iisnab sa hearing ng Senate Blue Ribbon sub-committee sa imbestigasyon ng diumano’y overpriced na Makati City Hall Parking Building.

Ipinaliwanag ni Senate Sergeant-at-Arms  retired Major General Jose V. Balajadia Jr. na kailangan pa nilang hintayin ang desisyon ng Senate Committee on Rules matapos na kuwestiyunin ni Senate Minority Leader Vicente Sotto ang  quorum ng mga senador na nagdesisyon tungkol sa  contempt. Iginiit naman ni Senate President Franklin Drilon na dapat din munang dumaan sa kanya ang nasabing kautusan dahil ang tanggapan niya ang nagpapatupad ng detention order.

Tanging sina Senators Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, Senator Aquilino “Koko” Pimentel, chairman ng sub-committee at Senator Antonio Trillanes IV ang dumalo sa hearing kung saan pinagdesisyunan ang pagpapa-contempt kina Mayor Binay.

Bukod kay Binay pinatawan rin ng contempt at nais ipakulong sa Senado sina Bernadette Portollano, Atty. Eleno Mendoza, Ms. Eduviges Ebeng Baloloy, Marjorie de Veyra, at  Engineer  Line Dela Pena.

Samantala, inihayag naman ni Binay na handa siyang sumuko at ipag­lalaban niya ang kanyang prinsipyo laban sa aniya’y pamumulitika ng Senado.

Aniya, sa umpisa pa lang ng pagdinig sa isyu ng Makati City Hall Bldg. 2, nagkusa na siyang humarap sa Senado sa kabila ng mga pa­yong huwag siyang magpunta, sa pag-asang magkakaroon ng linaw ang usapin sa umano’y pagkakasangkot niya sa usapin ng overpricing.

Pero nalungkot si Bi­nay na kahit siya ay isang resource person ay itinuring siyang parang akusado at hindi naging patas ang pagtatanong at hindi binibigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ng maayos.

Tahasang binatikos ni Binay sina Senador Alan Peter Cayetano, Sonny Trillanes at Coco Pimentel sa pagiging bias at halatang namumulitika. “Kahit minsan ay hindi ko naisip na kalabanin ang Senado,” ani Binay. Pinuna ni Binay na ang lahat ng nag-aakusa sa kanya ay pawang walang ebidensya.

At kahit ilang beses silang nagsinungaling, kailanman ay hindi sila sinita ng Senado. “Dapat sana ay alamin muna ng mga Senador ang record ng mga taong ito,” dagdag ni Binay.

BALAJADIA JR.

BERNADETTE PORTOLLANO

BINAY

BINAY JR.

COCO PIMENTEL

ELENO MENDOZA

LINE DELA PENA

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with