PNoy nagpunta sa Zamboanga
MANILA, Philippines – Dinalaw kahapon ni Pangulong Aquino ang mga biktima ng pagsabog sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawa katao habang 52 ang nasugatan.
Bandang alas-10 ng umaga ng dumating ang Pangulo sa Zamboanga City.
Personal na nagbigay ng kanyang huling respeto si PNoy sa dalawang nasawi saka binisita din nito ang mga sugatan sa pagsabog sa hospital.
Iniutos kaagad ni Aquino sa mga awtoridad na tignan ang lahat ng anggulo upang mahuli ang nasa likod ng pagpapasabog sa lungsod.
Umaasa rin ang Palasyo na mabibigyan agad ng hustisya ang mga biktima.
Ang pagsabog na nangyari sa isang bar malapit sa isang mataong bus terminal ay iniuugnay sa grupong Abu Sayyaf na kamakailan ay nagtangkang irescue ang isa sa kanilang mga miyembro mula sa piitan.
Pinaigting na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad sa Zamboanga City at naglagay ng karagdagang checkpoints sa siyudad.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang AFP sa PNP na siyang lead agency sa imbestigasyon.
- Latest