^

Bansa

Meralco magbababa ng singil ngayong Peb.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang magbaba ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Pebrero.

Bunsod ito nang patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Ayon sa Meralco, ang nasabing pagbaba ng halaga ng krudo ay may direktang epekto sa presyuhan ng natural gas kung saan sila kumukuha ng mula 40 hanggang 60 porsyento ng kanilang suplay ng kuryente.

Matatandaan na nitong Enero ay tinapyasan na rin ng Meralco ng 19 sentimos kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente dahil sa pagbaba ng presyo ng carbon o coal at langis.

Dahil dito, ang mga Meralco consumers na kumukonsumo ng hanggang 200 kWh kada buwan ay nabawasan ng P38.81 sa kanilang electric bill.

Ang mga gumagamit naman ng 300 kWH ay matatap­yasan ng P58.22, habang ang kumukonsumo ng 400 kWh ay P77.62 at ang 500 kWh ay nakatipid ng P97.03.

Hindi pa naman tinukoy ng Meralco kung magkano ang mababawas ngayong Pebrero dahil pag-aaralan pa aniya ito at iaanunsyo na lamang sa mga susunod na araw. (Mer Layson)

vuukle comment

AYON

BUNSOD

DAHIL

ENERO

MANILA ELECTRIC COMPANY

MATATANDAAN

MER LAYSON

MERALCO

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with