^

Bansa

Pope sa mga Pinoy ‘wag parang rabbit na anak nang anak!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi raw dapat magparami tulad ng mga kuneho ang mabuting Katoliko.

Sinabi ito ng Santo Papa sa mga journalists na kasama nito sa eroplano pauwi ng Roma matapos ang kanyang 5-araw na pagbisita sa Pilipinas.

Hiniling din ni Pope Francis sa mga Katoliko sa buong mundo na dapat ay maging responsableng magulang sa kanilang mga anak.

Binanggit pa ng Santo Papa ang turo ng Simbahan laban sa paggamit ng artificial contraception pero hindi raw ibig sabihin nito ay magkaroon ng sunud-sunod na anak.

Ikinuwento rin ni Pope Francis sa Vatican Media Personnel (VAMP) na kasama nito sa special flight ng Philippine Air Lines na may nakausap itong isang ina na may 7 anak at buntis sa pang-walo kung gusto pa nitong maging ulila ang kanyang 7 anak?

Ang isinagot daw sa kanya ng ginang ay naniniwala siya sa Diyos pero ang itinugon daw ng Santo Papa dito ay binigyan tayo ng Diyos ng ‘means’ upang maging responsable.

“Some think, and excuse the term, that to be good Catholics, they must be like rabbits,” wika pa ng Santo Papa.

Pero nanindigan din ang Holy Father sa paninindigan ni Paul VI laban sa paggamit ng artificial contraception sa mga Katoliko noong 1968.

“The key teaching of the Church is responsible parenthood. And how do we get that? By dialogue. There are marriage groups in the Church, experts and pastors,” sabi pa ng Santo Papa.

vuukle comment

BINANGGIT

DIYOS

HINILING

HOLY FATHER

KATOLIKO

PHILIPPINE AIR LINES

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

VATICAN MEDIA PERSONNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with