Bagyong Amang, LPA na lamang
MANILA, Philippines – Mula sa pagiging isang malakas na bagyo si Amang ay naging isa na lamang itong low pressure area (LPA) kahapon matapos na manalasa sa Eastern Visayas at Bicol Region.
Ayon sa PAGASA, naapektuhan ng naturang bagyo ang ibang mga weather system kayat naging LPA na lamang ito.
Alas-10:00 ng umaga kahapon, ang LPA na dating si Amang ay namataan ng PAGASA sa layong 85 kilometro ng hilagang silangan ng Casiguran Aurora.
Inaasahan na ang naturang sama ng panahon ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may mahinang pag ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos.
Gayunman, patuloy na pinapayuhan ng PagAsa ang mga mangingisda sa naturang mga lugar na gamit ay bangka na huwag munang papalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan laluna sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon gayundin sa silangang bahagi ng karagatan ng Southern Luzon.
Maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.
- Latest