^

Bansa

Ama pinaslang ang asawa, 2 anak bago nagpakamatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang buong pamilya matapos pagtatagain ng padre de pamilya kagabi sa Iligan City.

Ayon sa imbestigasyon, tinadtad ng saksak ni Bernabe Laniojan ang kanyang asawang si Rosallyn at dalawa nilang anak na si Crisel Joy, 5, at Dodong, 2, sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tubod.

Nakarinig ng sigawan ang mga kapitbahay ng mga Laniojans bandang alas-11 ng gabi kaya naman nagtawag sila ng mga pulis.

Puwersahang binuksan ng mga pulis ang nakakandadong pintuan.

Duguang mga bangkay na ang inabutan ng mga pulis, habang sinubukan pang isugod sa ospital si Bernabe ngunit hindi umabot nang buhay.

Nakakita ng suicide note ang mga awtoridad sa loob ng bahay ng mga Laniojans.

vuukle comment

AYON

BARANGAY TUBOD

BERNABE

BERNABE LANIOJAN

CRISEL JOY

DODONG

DUGUANG

ILIGAN CITY

LANIOJANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with