^

Bansa

100% kooperasyon sa misa ni Pope sa Luneta, hiling

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela kahapon si DILG Secretary Mar Roxas ng 100% na ko­operasyon mula sa mil­yun-milyong debotong Katoliko na dadalo sa isasagawang Banal na Misa ni Pope Francis sa Luneta ngayong araw.

Kasabay nito, nana­wagan rin ang Kalihim sa lahat ng mga dadalo sa misa sa Quirino grandstand na agahan ang kanilang pagpunta dahil sa mahigpit na security inspection na isasagawa ng kapulisan.

Magiging alisto ang kapulisan bunsod ng pagdadala ng mga kasuotan tulad ng jacket ng mga deboto bilang pangontra sa ulan.

Tiniyak naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, tumatayong chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakatutok ang national disaster sa lagay ng panahon upang makagawa ang Special Task Force for the Pope’s Visit ng kailangang pagbabago sa mga aktibidad ng Santo Papa kung kaila­ngan.

Naging maayos ang pagpapatupad ng seguridad bunga ng kooperasyon ng mamamayan na inaasahan nilang magpapatuloy hanggang sa huling araw ng papal visit sa bansa.

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

KALIHIM

KASABAY

KATOLIKO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SECRETARY MAR ROXAS

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with