Mga isasarang kalye ngayon
MANILA, Philippines - Para na rin sa kaalaman ng publiko lalu na ng mga motorista, inabiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga isasarang kalsada ngayong araw ng Biyernes (Enero 16).
Ayon sa MMDA, alas-9:00 ngayong umaga inaasahang aalis si Pope Francis mula sa Apostolic Nunciature patungong Malacañang at alas-9:15 ang inaasahang dating nito sa Malacañang.
Kaya’t alas-6:00 pa lamang ng umaga ay isasara na ang mga sumusunod na mga lugar: Taft Avenue; President Quirino Ave.; Nagtahan; JP Laurel gayundin ang Quirino Ave; Roxas Blvd; P. Burgos; Finance Road; Ayala Blvd; P. Casal at Gen. Solano.
Mula Malacañang, tutungo naman si Pope Francis sa Manila Cathedral para pangunahan ang isang misa. Alas-10:45 aalis ito sa Malacañang at alas-11:00 inaasahang nasa Manila Cathedral. Dahil dito, mula alas-8:00 ng umaga ay sarado na ang Gen. Solano; P. Casal; Ayala Bridge; Finance Road; P. Burgos Ave.; Bonifacio Drive; Anda Circle; Andres Soriano Jr. Avenue.
Gayundin ang JP Laurel St., Nagtahan Bridge: Guazon Avenue; UN Avenue: Maria Orosa; Finance Road at General Luna St.
Alas-5:00 naman ng hapon ay aalis si Pope Francis patungong SM Mall of Asia para sa pulong kasama ang mga pamilyang Pilipino.
Kabilang sa mga isasarang kalsada mula alas-2:00 ng hapon ay ang mga sumusunod: Taft Avenue; Quirino Avenue; Roxas Blvd; EDSA; Mall of Asia at J. W. Diokno patungong destinasyon. Gayundin ang P. Ocampo at Bukaneg.
- Latest