VIVA IL PAPA! ‘Lumabas, sumalubong, kumaway’
MANILA, Philippines - Nanawagan si Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Socrates “Soc” Villegas sa sambayanang Pilipino na mainit na tanggapin si Pope Francis sa pamamagitan ng pagbubukas ng puso, isipan at mga kamay.
Umapela rin siya sa mga mananampalataya na lumabas sa kanilang mga bahay, magtungo sa mga papal events at luminya sa mga lansangan na dadaanan ng popemobile.
Inisa-isa rin ng kanyang kabunyian ang mga schedule at mga kalsada na dadaanan ng convoy na maaaring mag-abang ang mga tao at tumanggap ng pagbabasbas ng Santo Papa.
“I am calling on the people of God to welcome Pope Francis with all our hearts, with all our minds and with wide open arms,” ani Villegas.
Sinabi ni Villegas na karangalan ng bawat Pilipino na salubungin mamaya ang Santo Papa.
Sa pagdating ng Santo Papa sa Villamor Airbase ngayong 5:45 ng hapon daraan ito sa Newport Garden at Andrews Avenue diretso ng Airport Road-Domestic Road at Roxas Boulevard-Quirino Avenue-Leveriza Intersection hanggang Taft Ave. patungong Apostolic Nunciature.
Sa umaga ng Enero 16, maaaring tumayo sa Taft Ave. patungong Osmeña-Quirino-Nagtahan Magsaysay Boulevard hanggang J.P. Laurel at Malacañang Palace.
Bago magmisa sa Manila Cathedral dakong alas-10 ng umaga ngayon, masisilayan ang Santo Papa dahil dadaan ito sa General Solano hanggang Casal-Ayala Bridge diretso ng Finance Road at Burgos Bonifacio Drive hanggang Anda Circle at Aduana Street hanggang sa makarating sa Manila Cathedral.
Sa hapon dadaan si Pope Francis sa Taft Ave. at Leveriza Intersection-Quirino Ave. pa-Roxas Boulevard hanggang sa makarating sa Mall of Asia kung saan ilang pamilya ang kanyang makakasalamuha.
Nasa Leyte naman ang Santo Papa sa Enero 17.
Masisilayan sa Enero 18 ang Santo Papa sa kahabaan ng Quirino-Osmeña Highway patungong Nagtahan at España Boulevard hanggang UST. Ganito rin ang magiging ruta pabalik ng Apostolic Nunciature.
Dadaan sa Quirino Ave., Roxas Blvd., at Kalaw St. hanggang makarating ng Luneta sa hapon.
Enero 19, maagang magtutungo ang Santo Papa sa airport kung saan dadaan ito sa Leveriza-Quirino diretso ng Roxas Boulevard at Domestic Road diretso ng Andrews Ave. at Villamor Airport. Dagdag ulat ni Rudy Andal
- Latest