^

Bansa

Nakialam sa search operation NBP official sinibak!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak ni Justice Secretary Leila de Lima sa serbisyo si New Bilibid Prisons Assistant Supt. Catalino Malinao dahil sa kasong administratibo bunsod na rin ng  pakikialam nito sa ginawang pag­halughog sa  “makeshift home” ng isang convicted.

Sa resolusyon na may petsang Nobyembre 18,2014, napatunayang guilty si Malinao sa mga kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service. 

Nag-ugat ang kaso nang pakialaman ni Mali­nao ang ginawang paghahalughog ng Special Patrol Unit o SPU ng Bureau of Corrections sa selda ng inmate na si David Allen Uy sa compound ng Amazing Grace Chapel, Building 11 noong Hulyo 7, 2014. Nakuha sa kulu­ngan ni Uy ang isang laptop, DVD writer, external memory drive, ilang cable wires at isang USB.

Hindi na rin maaaring makakuha ng retirement benefits si Malinao bukod pa sa kanselasyon ng eligibility at pagbabawal sa pagtanggap nito ng anumang posisyon sa gobyerno kabilang na ang government-owned or controlled corporations at  pagkuha ng civil service examinations.

Lumilitaw na kinuha ni Malinao ang mga nakumpiska kung saan sinabihan umano nito ang SPU team na huwag i-report ang insidente. Inatasan naman si Malinao na i-surender ang mga nasabing item subalit tumanggi ito.

Agad na inakyat ang kaso sa DOJ hanggang sa maglabas ng resolusyon na nakasaad na dismis na ito sa serbisyon simula November 18, 2014.

Paliwanag ni de Lima, hindi tama ang ginawa ni Malinao at sa halip ay kasiraan lamang sa BuCor. Indikasyon lamang ito na hindi niya pinahahalagahan ang kanyang  tungkulin at pangalan.

AMAZING GRACE CHAPEL

BUREAU OF CORRECTIONS

CATALINO MALINAO

DAVID ALLEN UY

JUSTICE SECRETARY LEILA

MALINAO

NEW BILIBID PRISONS ASSISTANT SUPT

SPECIAL PATROL UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with