^

Bansa

Pulitiko ‘wag epal kay Pope Francis - Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marapat lamang na dumistansiya ang mga pulitiko at hindi umepal sa pagdating ni Pope Francis lalo na yong mga nagbabalak na kumandidato sa mas mataas na posisyon sa 2016 presidential elections.

Ito ang sinabi kahapon ni acting Senate Minority Leader Vicente Sotto matapos makiusap ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga pulitiko na huwag samantalahin ang pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas.

Sinabi ni Sotto na sinasadya man o hindi, dapat dumistansiya ang mga pulitiko upang hindi rin mapagbintangan na ‘umeepal’ o pumapapel.   

Kahit pa si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ay nagpahayag na susunod rin sa pa­nawagan ng CBCP.

Sinabi ni Cayetano na espesyal at “sacred event” ang pagdalaw ng Santo Papa at hindi dapat haluan ng pulitka.

Pero kung may imbitas­yon umano na makakara­ting sa kanya, hindi niya ito tatanggihan.

“Of course kung may iimbitasyon, sino ba naman sa atin ang ayaw na makamayan, na makita ang pope,”ani Cayetano.

Samantala, inihayag naman ni Sen. Sergio Os­meña na nais niyang makita kahit man lamang ang pagdaan ng sasakyan ng Santo Papa.

Pero sang-ayon din ito na dapat dumistansiya ang mga pulitiko at ma­ging ang mga mayayaman dahil magtutungo umano dito sa bansa ang Santo Papa para sa mga mara­lita at mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

“Hindi lang politicians, lahat ng maya­yaman,” ani Osmeña.

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CAYETANO

PERO

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SENATE MINORITY LEADER VICENTE SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with