^

Bansa

P1-B pondo sa fire truck, ipaliwanag

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty ang Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan na napunta ang P1 bilyon inilaan ng Kongreso para sa pagbili ng mga bagong truck ng bumbero.

Sinabi ni Ty, na 117 unit ng firetrucks ang dapat na mabibili sa naturang halaga sa ilalim ng modernization program ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Subalit palaisipan na umano kung nabili ang mga firetrucks na ito dahil hindi naman nakikitang nagreresponde sa mga insidente  ng sunog.

Dahil dito, hiniling ni Ty sa DILG na isapubliko ang listahan ng mga lungsod at munisipalidad na nakatanggap ng bagong firetruck.

Mahalaga umanong maliwanagan ito nga­yong malaki na naman ang pa­ngangailangan sa firetrucks dahil sa pagsalubong sa Bagong taon.

Ang BFP ay nagtaas na ng alerto dahil karaniwang madalas ang sunog sa pagsalubong ng Bagong Taon bunga ng mga paputok.

 

ARNEL TY

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHIL

KINUWESTIYON

KONGRESO

MAHALAGA

TY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with