Nakumpiskang mga armas sa loob ng bilibid nakapangalan sa mga politiko
MANILA, Philippines – Limang armas na nakumpiska sa selda ng isa sa 19 na high-profile inmates sa New Bilibid Prison ay nakapangalan sa ilang politiko.
Ayon sa Firearms and Explosives Division ng Philippine National Police ay nakapangalan ang isang armas kay Rep. Joaquin Carlos Rahman Nava ng Guimaras, habang ang isa ay sa natalo sa pagka-kongrisistang si Carlitos Tiquia.
Ang dalawa pang armas ay nakapangalan kay Vicente Alindada Jr., konsehal ng barangay sa Caloocan, at kay Avelino Nicanor na isang opisyal ng gobyerno.
“We want to get their side first. We also want to know, how come the guns registered under their names were in Peter Co’s possession?” ayon sa isang source.
Ipapa-subpoena ang mga nakapangalan sa mga nakumpiskang armas upang pagpaliwanagin kung paano ito napunta kay Co.
Base pa sa Firearms and Explosives ay hindi iniulat ng mga may-ari ng armas na nawawala ang kanilang mga baril kaya naman ipapa-subpoena sila upang pagpaliwanagin kung paano ito napunta sa selda ni Co.
Nitong Lunes ay sinugod ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang mga selda sa maximun security compound ng NBP dahil sa mararangyang pamumuhay ng mga preso.
- Latest