^

Bansa

Papal visit guguluhin ng kalaban ni Binay - UNA

Butch Quejada, Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May plano umano ang mga kalaban sa pulitika ni Vice President Jejomar Binay na pahiyain ito sa nakatakdang pagbisita ng Santo Papa sa bansa sa Enero.

Ayon kay United Nationalist Alliance (UNA) interim president, Rep.Toby Tiangco, may nakalap silang impormasyon na may plano na i-exploit ang panahon ng preparasyon ng Pope Francis’ visit sa Manila sa susunod na buwan sa pamamagitan ng pamumulitika upang tulu­yang sirain ang pagkatao ng Bise Presidente at lalong ipahiya pati kanyang pamilya.

“Ganyan kadespe­rado ang kaaway ni VP. Itutuloy nila ang pagsisinungaling at panloloko sa panahong dapat suriin at balikan ang pagiging Kristyano,” ani Tiangco.

Sinabi ni Tiangco na ang pagsasasampa ng kasong plunder ni Atty. Renato Bondal laban kay Binay sa Office of the Ombudsman sa kasagsagan ng panahon ng Simbang Gabi ay nagpapakita ng kawalan ng respeto ng kalaban sa pulitika ng Bise Presidente.

Pinaalalahan ni Tiangco ang mamamayan na maging maingat sa mga pahayag na puro kasinungalinan at gimik na bahagi ng panguna­hing plano upang wasakin si Binay.

“Ang nakakalungkot ay hindi na inirespeto ang diwa ng Kapaskuhan—paninindigan pa rin nila ang kanilang kasinu­ngalingan at pati Simbang Gabi ginagamit nila sa politika,” ani Tiangco.

Sinabi pa, ang huling inihaing kaso ni Bondal laban kay Binay ay mula sa pinagsama-sama umanong kasinungali­ngan na ang layunin ay gibain ang Bise Presidente at kanyang pamilya.

Handa aniya ang Bise na sagutin ang lahat ng mga ibinabatong akusasyon sa kanya sa Ombudsman ng mga desperadong kalaban nito.

“Sa simula’t simula at sa pagkadami-dami ng mga hearing sa Senado, walang matibay na ebidensyang pinanghahawakan ang mga nag-aakusa sa Bise Presidente,” dagdag pa ni Tiangco.

Sa kabila ng mga pag-atake kay Binay at pamilya nito, nakatuon pa rin ang Bise Presidente sa kanyang trabaho sa pagtulong sa mga overseas Filipino workers, pagbibigay ng pabahay sa mga mahihirap at pagtulong sa mga pangangailangan ng mga senior citizens.

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

POPE FRANCIS

RENATO BONDAL

SANTO PAPA

SIMBANG GABI

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with