Open Pope mobile, no bulletproof sa Santo Papa
MANILA, Philippines – Magiging “accessible” si Pope Francis sa nakatakda nitong pagbisita sa Pilipinas sa Enero 2015.
Tiniyak ito ni Fr. David Concepcion, miyembro ng papal visit transpo committee, dalawang Pope mobile ang gagamitin kung saan isa sa Maynila at isa naman ay sa Tacloban.
Mismong ang Santo Papa aniya ang humiling na dapat ay isang open mobile, hindi bullet-proof at walang aircon ang magiging sasakyan nito.
Wika pa ni Fr. Concepcion, simbolo ito na bukas ang Simbahan para sa lahat.
Nabatid na dalawang Pope mobiles ang inihanda. Isa ang gagamitin sa Maynila at isa sa Tacloban. Kung maaalala, maging sa kanyang Middle East trip ay isang open-top car ang sinakyan ng Mahal na Papa, bagay na ikinasakit sa ulo at labis na ikinabahala ng kanyang security.
Sa Enero 15 hanggang 19 bibisita sa Pilipinas si Pope Francis at kabilang sa mga pupuntahan nito ang Luneta Park, Manila Cathedral, University of Sto. Tomas, MOA Arena, at Tacloban.
- Latest