Di nagamit na ‘pork’ ng 9 lungsod sa MM isoli - COA
MANILA, Philippines – Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang siyam na siyudad sa Metro Manila na ibalik sa National Treasury ang hindi nagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o kilala sa tawag na pork barrel.
Sa 2013 Annual Financial Report for Local Governments, inaatasan ng COA ang mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, Las Piñas, Makati, Manila, Pasig, Malabon, Navotas, Valenzuela at San Juan na isoli ang pork barrel fund na mahigit P300 milyon.
Sinasabing sa naturang mga lungsod ang QC ang may pinaka malaking pondo na hindi nagamit ang pork barrel na umaabot sa P142,806 milyon.
Noong November 19, 2013 naideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang pork barrel.
Kaugnay nito, inatasan din ng COA ang QC na tagubilinan ang mga non-government organizations sa lunsod na i-liquidate P173.488 milyong pondo na naibigay sa mga ito.
Pinagsusumite rin ng COA ang QC gov’t ng written explanation sa nakitang deficiencies sa ginawang post-audit sa mga vouchers na ginamit ng lunsod, paglilipat ng pondo sa NGO at sa liquidation of PDAF.
Pinaliliwanag din ng COA sa QC na agad na i-liquidate ang P19 milyong halaga na naipamigay nito sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
- Latest