^

Bansa

10 religious leaders kakapulungin ni Pope Francis sa UST

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung religious leaders ang mabibigyan ng pagkakataon na makaharap sa isang pulong si Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa sa Enero, ayon sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Lunes.

Ayon kay Father Carlo Reyes, executive secretar ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, kabilang sa mga napili nang makikipagpulong kay Pope Francis ay isang Buddhist sa Taiwan at isang arsobispo ng Orthodox Church of Constantinople sa Hong Kong.

Sa Pilipinas, ang mga kukuhaning religious group members o lider na makakapulong ng Santo Papa ay dapat nagsusulong ng ecumenical movement at kapayapaan.

"We tried to seek peace and unity and the Pope is promoting the ecumenical movement at ang isa pa yung interreligious dialogue," ani Father Reyes.

Samantala, sinabi ni Imam Ibrahim Moxir Alhaj ng Imam Council of the Philippines na magandang pagkakataon upang mapag-isa ang relihiyong Muslim agt Kristiyanismo sa bansa sa pagbisita ng Santo Papa.

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EPISCOPAL COMMISSION

FATHER CARLO REYES

FATHER REYES

HONG KONG

IMAM COUNCIL OF THE PHILIPPINES

IMAM IBRAHIM MOXIR ALHAJ

INTERRELIGIOUS DIALOGUE

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with