^

Bansa

Sinibak ni Garin pinababalik sa puwesto ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang kay Health Undersecretary Teodoro Herbosa na manatili ito sa kanyang posisyon dahil ang ta­nging may karapatan na paalisin siya sa puwesto ay si Pangulong Aquino at hindi si DOH acting Sec. Janet Garin.

Binigyang-diin ni De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang tanging puwedeng mag-alis sa puwesto kay Herbosa ay ang nag­talaga dito na si Pangulong Aquino­.

Unang inihayag ng Palasyo na bilang acting secretary ay limitado ang kapangyarihan ni Garin na puwedeng gawin sa Department of Health.

Magugunita na umalma si Herbosa ng bigla siyang alisin ni Garin as undersecretary at pabalikin sa University of the Philippines (UP) gayung co-terminus ang appointment nito kay Pangulong Aquino na siyang nag-appoint sa kanya.

Sinabi naman ni Herbosa na wala na siyang balak magdemanda laban kay Garin sa ginawang pagsibak sa kanya.

Bukod kay Herbosa ay napaulat na inilipat din ni Garin si Asec. Eric Tayag at ibinalik sa dating puwesto nito bilang director IV ng DOH.

Naging kontrober­syal din si Garin ng mag­­tungo ito sa Caballo island kasama si AFP chief Gregorio Pio Cata­pang upang bisitahin ang mga peacekeepers ng walang suot na protective gear.

DEPARTMENT OF HEALTH

ERIC TAYAG

GARIN

GREGORIO PIO CATA

HEALTH UNDERSECRETARY TEODORO HERBOSA

HERBOSA

JANET GARIN

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with