^

Bansa

Marcos gusto nang makipagbati sa Aquino

Malou Escudero/Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panahon na upang magkaroon ng rekonsilyasyon sa pagitan ng pamilya Aquino at mga Marcos, ayon mismo kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Naniniwala si Marcos na sagabal sa pagkakaisa ng bansa ang away ng dalawang pamilya na umiiral sa matagal ng panahon.

Mahalaga aniyang isantabi na ang hindi pagkakaunawaan ng mga Marcoses at mga Aquino dahil mas marami pang dapat gawin para sa bansa.

Nilinaw din ng senador na kung pamilya Marcos ang tatanungin tapos na ang political fight na namagitan sa kanyang amang si dating Ferdinand Marcos at ama ng presidente na si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino.

“I mean siguro sa pamilya Marcos, wala na yung political fight na yan. Hindi naman ito personal. Yung talagang naglalaban was my father and Ninoy Aquino, 60’s, 70s pa yun so dapat lampasan na natin yun at hindi na yan  any issue ngayon. Wala tayong makukuha sa tuloy tuloy na pagsusumbatan na Aquino-Marcos  for no good reason. We’ll get nothing out of that,” ani Marcos.

Giit naman ng Malacañang na walang awayan ang pamilya Marcos at Aquino kundi ang nais ni Pangulong Aquino ay matuldukan ang usapin ng hustisya sa pagpaslang sa ama nitong si Ninoy noong 1983.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma sa media briefing, ilang ulit ng binanggit ni Pangulong Aquino sa maraming pagkakataon na ang nais niya ay makamit ang katarungan para sa mamamayan kasabay ang paggiit na wala silang personal na awayan ng pamilyang Marcos.

“Sa nakikita ko naman ay wala namang personal na alitan o mga usaping namamagitan on a personal level. Marami na tayong nasaksihang mga okasyon na kung saan ay dumalo sa Palasyo sa mga official functions sina Senator Marcos, former First Lady at Rep. Imelda Marcos, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. Marami namang interaction na hindi naman tayo makakaaninag na may personal na alitan sa pagitan ng mga indibidwal na tinutukoy natin,” dagdag ni Coloma.

 

AQUINO

COMMUNICATIONS SEC

FERDINAND MARCOS

FIRST LADY

ILOCOS NORTE GOV

IMEE MARCOS

IMELDA MARCOS

MARCOS

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with