^

Bansa

Pagpatay sa Vice Mayor ng Leyte kinondena ng VMLP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinondena ni Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) President  at Manila Vice Mayor Isko Moreno ang brutal na pamamaslang kay Villaba, Leyte Vice Mayor Claudio Martin Larrazabal.

Ayon kay Moreno, hinihingi nila ang tulong ng Philippine National Police (PNP) upang matukoy at mapapanagot ang responsable sa pagpatay kay Larrazabal. Umaasa siya na hindi ito bahagi ng 2016 elections.

Batay sa record, umaabot sa 19 bise alkalde ang election related violence noong May 2013 elections.

Nakikipag-ugnayan na rin si Moreno kay Region 8 VMLP Chairman, Michael Cari gayundin sa VMLP Leyte Chapter President.

Sinabi pa ni  Moreno, na kauna-unahang Vice President of the Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na nagsasagawa na rin sila ng dayalogo sa pagitan ng LGU’s at PNP upang masolusyunan ang mga “election related violence” na nagiging bahagi na ng   halalan sa bansa.

Si Larrazabal ay binaril at napatay kamakalawa ng umaga sa labas ng isang  restaurant ng riding-in-tandem.

vuukle comment

LEAGUE OF THE PHILIPPINES

LEYTE CHAPTER PRESIDENT

LEYTE VICE MAYOR CLAUDIO MARTIN LARRAZABAL

MICHAEL CARI

MORENO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI LARRAZABAL

VICE MAYORS

VICE PRESIDENT OF THE UNION OF LOCAL AUTHORITIES OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with