^

Bansa

Mayon nanahimik sa nakalipas na 24 oras

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanahimik ang bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Sa latest monito­ring sa bulkan, naitala ng Philippine Volcanolo­gy and Seismology (Phivolcs) na hindi ito kinakitaan ng anumang volcanic quakes at walang namataang crater glow.  

Wala ring pagluwa ng puting usok mula sa bunganga ng bulkan dahilan sa makapal na ulap na bumabalot sa crater ng Mayon.

Mahina din ang pag-akyat ng magma sa  bunganga ng naturang bulkan.

Nakapagtala naman ng pagluwa ng asupre ng bulkan ng may 106 tonelada kada araw at may mababang gas content.

Nanatili namang nasa alert level 3 ang bulkan at patuloy pa ring pinagbabawalan ang sinuman na makapasok sa loob ng 6 kilometer danger zone. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

MAHINA

MAYON

NAKAPAGTALA

NANAHIMIK

NANATILI

PHILIPPINE VOLCANOLO

PHIVOLCS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with