^

Bansa

Seguridad sa papal visit ikinakasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinakasa na ng Philippine National Police (PNP) ang ipatutupad na seguridad kaugnay ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015.

Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima na kailangan ang maagang pagha­handa para matiyak na mai­patutupad ang ‘whole of go­vernment approach’ sa isa sa pinakamalaking event ng taon sa bansa.

Bumuo ng Task Groups ang PNP na mangangalaga sa seguridad ng Santo Papa sa iba’t ibang venue at mga lugar sa bansa na nakatakda nitong bisitahin. Kabilang dito ang pag-asiste sa publiko para sa ‘crowd control, parking, seguridad sa venue, trapiko sa daraanang mga ruta at iba pa.

Susuporta rin ang PNP sa Presidential Security Group (PSG) na naatasan namang maging close-in security ng Papa. (Joy Cantos)

BUMUO

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ENERO

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POPE FRANCIS

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SANTO PAPA

TASK GROUPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with