Pinoy peacekeeper mula Liberia nilalagnat
MANILA, Philippines — Nilalagnat at nanghihina ang isang Filipino United Nations peacekeeper na mula ng Liberia, isa sa mga lugar na tinamaan ng Ebola, ayon sa Department of Health ngayong Biyernes.
Sinabi ng DOH sa kanilang panayam sa dzBB na nilalagnat ang hindi pinangalanang sundalo na ngayon ay nasa Caballo Island kasama ang 132 iba pang peacekeeper.
Nasa naturang isla ang mga sundalo at pulis para sa 21-araw na quarantine upang matiyak na wala silang Ebola.
Sa kabila ng nilalagnat na sundalo ay tiniyak ni Acting Health Secretary Janette Garin na Ebola-free pa rin ang Pilipinas.
Ayon sa World Health Organization ilan sa sintomas ng Ebola ang pagkahilo at pagsusuka, posibleng pagdurumi na may pagdurugo, namumulang mata, paninikip ng dibdib, ubo, pananakit ng tyan, pagbagsak ng timbang, pamamasa at pagdurugo ng mga mata.
Symptoms for Ebola include nausea and vomiting, possibly bloody diarrhea, red eyes, rashes, chest pain and cough, stomach paid, severe weight loss, bruising and bleeding usually from the eyes, according to the World Health Organization.
Dumating sa bansa ang mga Pinoy peacekeepers matapos ang isang taong pagkatalaga nila sa Liberia.
- Latest