Aso pinarangalan ni PNoy
MANILA, Philippines - Isang K-9 dog ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinagkalooban ng citation ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na ika-113th anniversary nito dahil sa naging tulong nito sa retrieval ng mga bangkay sa Bohol ng yanigin ito ng 7.2 na earthquake noong nakaraang taon.
Kabilang sa binigyan ng award ni Pangulong Aquino ay ang Labrador dog na si Bosh dahil sa naging tulong nito sa pag-recover ng 4 na bangkay sa Bohol.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang PCG dahil sa pagtatanggol nito sa teritoryo ng Pilipinas at pagbabantay sa ating baybayin particular sa West Philippine Sea.
Siniguro naman ni PNoy sa kanyang mensahe sa PCG anniversary ang patuloy na pagsuporta ng gobyerno para sa modernisasyon ng Coast Guard.
Pinasalamatan naman ni PCG Commandant Vice Admiral Rodolfo Isorena si Pangulong Aquino dahil sa suporta nito sa kanilang hanay.
Mayroong karagdagang 300 aluminum boats, 40 rubber boats, 36 staff vehicles at 46 lighthouses ngayon ang PCG mula sa ipinatupad na modernisasyon nito sa ilalim ng PNoy administration.
Umaasa din ang PCG na maagang darating ang 15 bagong barko nito na mula sa Japan at France na nakatakdang i-deliver sa susunod na taon bukod sa 2 medium-sized light helicopters.
- Latest