^

Bansa

4 na lugar sa Albay inalerto ng PAGASA

Angie dela Cruz, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inalerto ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang mamamayan ng apat na lugar sa Albay Bicol.

Ito, ayon sa PAGASA, ay dulot ng inaasahang pag-ulan ng abo (ash fall) mula sa bunganga ng bulkan sa susunod na 24 oras.

Ang mga lugar na binalaan sa ash fall ay ang Ligao, Oas, Pola­ngui at Libon sa Albay. Ang pagluwa ng abo sa bulkan ay bahagi pa rin ng inaasahang pagsabog nito.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala naman ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bulkang Ma­yon ng apat na volcanic quakes at mga pagbagsak ng bato mula sa naturang bulkan

Nananatili namang nasa alert level 3 ang bulkan at walang sinumang pinahihintulutang makalapit sa may 6 kilome­trong danger zone sa paligid ng Mayon. May 12,000 pamil­ya ang apek­tado ng pag aalboroto ng naturang bulkan.

Samantala, umabot na sa mahigit P55 milyon ang naitulong ng national government sa probinsiya ng Albay sa pamamagitan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno simula nang magkaroon ng banta sa pagputok ng bulkang Mayon.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, simula nang magsagawa ng evacuation sa mga residenteng maaapektuhan ng pagsabog, nagsimula na ring tumulong ang national government.

Patuloy pa rin aniya ang pagmo-monitor sa sitwasyon at pagbibigay ng tulong sa mga residente.

ABIGAIL VALTE

ALBAY

ALBAY BICOL

AYON

INALERTO

MAYON

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with